Social Climber sa Facebook


Ito ba ginagawa mo sa Facebook?

1. Hindi nya nakakalimutan mag check-in sa “sosyal” na lugar tulad ng Ayala Alabang at Forbes o tindahan ng Gucci, Louis Vuitton.

2. Nagpapa-picture sa Starbucks habang umiinom ng kape.

3. Palaging kinukunan ng picture ang mamahaling gamit, kahit hindi nya pagmamay-ari.

4. Kailangan malaman ng buong FB na sa S&R sya naggu-grocery at hindi sa Pure Gold.

5. Upload agad ang picture nya pag “sosyal” ang meryenda tulad ng Krispy Kreme o dessert galing Bizu.

6. Kailangan mag-update ng status na “Thank you” sa mamahaling regalong natanggap kahit katabi lang ang nagbigay — sabay post ng picture ng gift.

7. Hindi nalilimutang magpa-picture sa mamahaling restaurant.

8. Kailangan taglish ang shout out para CONYO ang dating.

Ano Ang Masasabi Mo?